Connect with us

Runway 13/31 sa NAIA, maaari ng magamit ng domestic flights

Muli nang magagamit ang runway 13/31 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

National News

Runway 13/31 sa NAIA, maaari ng magamit ng domestic flights

Muli nang magagamit ang runway 13/31 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay matapos ang isang-taong rehabilitasyon ng runway sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ngayong araw, pinasinayaan ng mga transport opisyal ang muling pagbubukas ng runway 13-31 na nakalaan sa mga mas magaan na eroplano tulad ng domestic flights.

Kabilang sa pinagawa ay ang repair at overlay sa runway 13-31, extension nito, at ang mga interconnected na taxiway o daanan ng eroplano.

Pinalitan din ang kumupas nang aspalto, nilatagan ng aspalto ang buong lapag ng runway at labasan nito, at pininturahan ng mga marker at guidelines para sa paglipad at paglapag.

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na makatutulong ang proyekto sa pagsasaayos ng air traffic sa NAIA, lalo sa gitna ng ‘pag-uwi ng mga repatriated na OFW at ang inaabangang pagdating ng mga bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas ngayong Pebrero.

More in National News

Latest News

To Top