Connect with us

Russian strikes sa Ukraine, kumitil sa buhay ng bagong silang na sanggol at 2 sibilyan

Russian strikes sa Ukraine, kumitil sa buhay ng bagong silang na sanggol at 2 sibilyan

International News

Russian strikes sa Ukraine, kumitil sa buhay ng bagong silang na sanggol at 2 sibilyan

Patay ang 1 bagong silang na sanggol sa isang Ukrainian maternity ward at 2 pang sibilyan dahil sa pag-atake ng Russia ayon sa opisyal ng Ukraine.

Sinabi ng Ukrainian Emergency Services na tumama ang Russian rockets sa isang gusali sa Vilniask, parte ng Southern Zaporizhzhia region sa pinaka huling atake upang sirain ang medical facilities nito simula nang magsimula ang giyera 9 na buwan ang nakakalipas.

Matatandaan na ilang beses nang tinarget ng Russia ang mga Ukrainian hospital simula nang sakupin ng Russia ang bansa noong February 24 kabilang na ang Port City ng Mariupol.

Ang atake noong Marso sa Mariupol Hospital ay nag-iwan ng 3 patay kabilang ang 1 bata kung saan mariin itong kinundena ng Ukraine at Western Allies.

More in International News

Latest News

To Top