Connect with us

Sa panahon ni FPRRD, mas payapa dahil hindi agresibo ang China – mangingisda sa Zambales

Sa panahon ni FPRRD, mas payapa dahil hindi agresibo ang China – mangingisda sa Zambales

National News

Sa panahon ni FPRRD, mas payapa dahil hindi agresibo ang China – mangingisda sa Zambales

Tampok ngayon sa social media ang pahayag ng isang mangingisda kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

Kasunod ito sa isinigawang public consultation and inquiry ng mga kongresista kasama ng grupo ng mga mangingisda hinggil sa umano’y “gentleman’s agreement” sa pagitan ng dating Pangulong Rodrigo Duterte at China sa Masinloc, Zambales kamakailan.

Sa video, makikita si Joeffrey Elad, lider ng grupo ng mga mangingisda sa San Salvador, Masinloc, Zambales.

Marami na siyang karanasan sa WPS.

Aniya, nung panahon ni dating Pangulong Duterte, ay malaya silang nakakapangisda sa Bajo de Masinloc o mas kilala sa tawag na Scarborough Shoal.

“Dahil sa kakayahan po na lagi po akong nangingisda diyan, ako po talaga ang unang hinarass ng China diyan noong 2014. Pero sa panahon naman na nangyari na naging presidente si Rodrigo Duterte kaya muli po kaming nakabalik,” ayon kay Tropical Fish Gatherer Association, Chairman, Joeffrey Elad.

Pero sa ilalim ngayon ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., sinabi niyang nakararanas na naman sila pang-haharass mula sa China.

“Pero sa ngayon, ngayon lang po ulit nang-harass ulit sila ng mga Pilipinong nangingisda,” dagdag pa nito.

Dagdag pa nito, malimit lang din aniya ang presensya ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagpapatrolya sa Scarborough Shoal kaya wala silang ibang mahihingan ng tulong sa panahong hinahabol ang mga ito ng mga bangka ng China.

“Malimit lang naman po talaga sila diyan kung talagang may hinahatid silang ayuda pero sa mga araw naman po na ‘yung sinasabing patrolya wala naman po kaming nakikitang Philippine Coast Guard diyan,” ani Joeffrey Elad.

Naging emosyonal naman ang mangingisdang si Noli delos Santos dahil sa matinding kahirapan na kanilang nararanasan ngayon sa pangingisda bukod pa sa mataas na presyo ng mga bilihin.

“Dinadaan ko na lang sa luha. Dinadaan ko na lang po sa inyo dahil ngayon lang po kayo bumaba. Ramdam niyo naman siguro ang kahirapan namin. Dahil pagdating sa mga buyer, maraming huli, kaunti ang benta, dahil sa utang. Maraming kita, mahal naman ang babayarin: bigas, kuryente, tubig,” ayon naman kay Noli delos Santos, Mangingisda mula Santa Cruz, Zambales.

May patutsada naman ito sa mga pulitiko.

“Sinong tutulong sa amin. Kapag eleksyon, kilala niyo kami. Pagdating sa problema di niyo kami kilala,” dagdag pa nito.

Aniya, hindi sapat ang ayuda na kanilang natatanggap mula sa pamahalaan kaya ang hiling nila…

“Malayang pangingisda lang po ang kailangan namin,” ani Santos.

Tinitiyak naman ng mga kongresista na tutulungan ang mga manggingisda na magtuloy-tuloy ang kanilang pangingisda sa Bajo de Masinloc at iba pang lugar sa kabila ng banta ng panghaharass ng China.

Samantala, nangangamba ngayon ang mga mangingisda sa Zambales sa kanilang seguridad kasunod ng bagong direktiba ng China na simula sa buwan ng Hunyo ay huhulihin ng kanilang coast guard ang mga “trespasser” sa South China Sea nang walang paglilitis.

“Ang gusto lang po naming iparating sa inyo. ‘Yung security lang po namin na kung anong seguridad ang dapat sa paglalakbay namin papunta pong Scarborough. Gaya ng sinabi na ngayong June 15, manghuhuli sila. Papaano naman po kaming talagang laging nangingisda diyan sa Bajo de Masinloc,” pahayag pa ni Joeffrey Elad.

Una nang ipinangako ni Pangulong Marcos na gagawin niya ang lahat ng mga hakbang para tiyakin ang proteksyon para sa mga Pilipino kasunod ng direktiba ng China.

More in National News

Latest News

To Top