Connect with us

SAF personnel na nasugatan sa engkwentro sa Tawi-Tawi, dinalaw ng SAF acting director

SAF personnel na nasugatan sa engkwentro sa Tawi-Tawi, dinalaw ng SAF acting director

Regional

SAF personnel na nasugatan sa engkwentro sa Tawi-Tawi, dinalaw ng SAF acting director

Dinalaw ni Special Action Force (SAF) Acting Director PBGen. Mark Pespes ang nasugatang SAF personnel na kasalukuyang nagpapagaling sa Ciudad Medical Hospital Zamboanga.

Nasugatan ito sa isinagawang matagumpay na counterterrorism operation na nagresulta sa pagkasawi ng kanilang target na sub-leader ng Abu Sayyaf group na si Udon Hasim sa Brgy. Lahay-lahay, Tandubas, Tawi-Tawi.

Pinuri ni PBGen. Pespes ang nasabing miyembro ng SAF dahil sa katapangan at dedikasyon nito sa kanyang tungkulin kahit na malagay sa alanganin ang kanyang buhay.

Sa kanyang pagdalaw tiniyak ng opisyal ang kanyang suporta sa kanilang unit at binigyang diin din nito ang kahalagahan ng kanilang papel sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

More in Regional

Latest News

To Top