Connect with us

“Safe Spaces Act”, nais amyendahan ni Sen. Padilla

safe-spaces-act-nais-amyendahan-ni-sen-padilla

National News

“Safe Spaces Act”, nais amyendahan ni Sen. Padilla

Taasan na ang penalty sa mga employer na bigong maipatupad ang tamang hakbang laban sa gender-based sexual harassment.

Sa kanyang Senate Bill No. 2810, ninanais ni Sen. Robinhood Padilla na amyendahan ang Republic Act No. 11313 o ang Safe Spaces Act.

Mula sa P5K hanggang P10K ay ipinapanukala ng senador na gawing P100K hanggang P300K ang multa ng mga employer na bigong maipatupad ang tamang hakbang kontra gender-based sexual harassment.

Mula P10K hanggang P15K ay gagawin ring P300K hanggang P500K ang multa ng mga employer na bigong tugunan ang sexual harassment complaints.

Ang prescriptive period para sa paghahain ng complaint ay magiging sampung taon na rin mula sa orihinal na limang taon.

More in National News

Latest News

To Top