National News
Sakit sa puso, nangungunang dahilan ng pagkasawi ng mga Pinoy mula Enero – Nobyembre 2023 – PSA
Ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA) nangunguna pa ring dahilan ng kamatayan sa Pilipinas noong nakaraang taong 2023 ay mga sakit sa puso.
Sa kanilang datos, ang ischemic heart diseases ay nagtala ng 100,848 na kaso o 19.0% na mga kamatayan sa bansa mula Enero – Oktobre 2023.
Sinundan ito ng neoplasm o sakit na kanser na nakapagtala ng 56,736 cases o 10.7% sa kabuuang bilang ng mga nasawing Pinoy habang ikatlo ang cerebrovascular diseases na may 53,577 na kaso.
Ang sakit na diabetes mellitus ay pang-apat na sanhi ng pagkasawi ng mga Pinoy na sinundan ng pneumonia.
