Connect with us

Salary increase sa ilang lugar, sisimulan nang ipatupad — DOLE

DOLE, tinututukan ang bagong minimum wage increase sa probinsya ng Negros Occidental

National News

Salary increase sa ilang lugar, sisimulan nang ipatupad — DOLE

Makatatanggap na ng dagdag sweldo simula sa ika-5 ng Hunyo ang mga manggagawang minimum wage earners sa Ilocos, Cagayan Valley at Caraga Regions.

Matapos itong inaprubahan ng kani-kanilang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards.

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na magiging epektibo ang wage increase simula sa Hunyo 4 sa National Capital Region at sa Western Visayas.

Aprubado na rin ng board at nagpalabas na ito ng wage order na pinagbigyan ang  P500 at P1,500 monthly wage increases para sa mga domestic workers sa mga siyudad at mga first-class municipalities.

Nilinaw rin ng DOLE na batay sa Omnibus Rules on Minimum Wage Determination na ang kompanyang may empleyadong hindi lalagpas sa 10 ‘yung mga naapektuhan ng nagdaang kalamidad at ng pandemic ay maaaring mag-apply ng exemption sa pagbibigay ng dagdag sweldo sa kanilang mga empleyado.

 

 

More in National News

Latest News

To Top