Breaking News
Sampaloc Maynila, isasailalim sa ‘hard lockdown’
Ipinagutos na ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pagsasailalim sa “hard lockdown” sa loob ng 2 araw ang buong distrito ng Sampaloc.
Ngayong araw, Abril a-21, nilagdaan ni Moreno ang executive order para i-shut down ang Sampaloc District simula alas 8 ng gabi sa Huwebes, Abril a-23, hanggang alas-8 ng gabi sa Sabado, Abrila-25.
Sa pinakahuling tala ng Manila Health Department, as of alas-5 ng hapon noong Lunes, umaabot na sa 99 ang bilang ng sa Sampaloc habang nasa 159 naman ang mga suspected persons.
Sa ilalim ng kautusan, mahigpit na imomonitor ng health authorities ang distrito kabilang na ang testing at rapid risk assessment.
Sa kasagsagan ng shutdown, hindi na maaaring lumabas ng bahay ang mga residente rito maliban nalang kung sila ay healthcare workers, pulis at mga sundalo, government employees, service workers (sa mga pharmacie, drug stores at death care service establishments), barangay officials at media practitioners na accredited ng Presidential Communications Operations Office at Inter-Agency Task Force.
“All other commercial, industrial, retail, institutional and other activities not mentioned in above exemptions in the said district shall be suspended within the specified period of the shutdown,” the saad pa ng nilagdaang executive order.