Connect with us

Sandro Marcos, mautak, mana sa tatay at lolo – Pastor Apollo

Sandro Marcos, mautak, mana sa tatay at lolo – Pastor Apollo

National News

Sandro Marcos, mautak, mana sa tatay at lolo – Pastor Apollo

“Madam Speaker, I move for the creation of the special committee on nuclear energy with 25 members and with its jurisdiction as follows. All matters directly and principally relating to the policies and programs for the production, utilization, and conservation of nuclear energy including the development of nuclear power infrastructures,” ani Cong. Sandro Marcos, Ilocos Norte 1st District Rep.

‘Yan ang mosyon ni Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos sa pagbuo ng special committee sa Kamara para pag-aralan ang nuclear energy.

Lalo na’t prayoridad ng administrasyon ng kanyang amang si President Bongbong Marcos ang paggamit nito.

Kaya ang pagsusulong ng Presidential Son at ng House Leadership sa nuclear energy ay hudyat na seryoso dito ang Pangulo.

“With nuclear energy as a reliable, cost competitive, and environment friendly energy source to ensure energy security consistent with the national interest and the state’s policy of freedom from nuclear weapons,” dagdag pa ni Marcos.

Kaya sa Powerline program niya ngayong araw, pinuri ni SMNI Honorary Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy ang performance ng batang Marcos.

“Alam mo itong panukala ni Cong. Sandro, magandang-maganda kasi dumadami ang tao dito sa ating bansa at nakikita natin ang mga power outages palagi no’ tapos mahal pa ang kuryente at pagkatapos ‘yung ibang mga independent power supplier nagsasamantala pa rin kung halimbawa masyadong demand, tapos ‘yung power outages palagi,” saad ni Pastor Apollo.

‘Swerte tayo dito sa Davao e’ hindi naman masyado, pero sa ibang lugar matindi, tapos ang taas pa ng kuryente. Kaya itong panukala ni Cong. Sandro napakaganda kung ito’s matutupad, siguruhin lang na ito ay malagay sa isang lugar na less prone sa earthquake,” dagdag pa ng butihing pastor.

Para din sa butihing Pastor, magandang solusyon ang nuclear energy para maiwasan na ang mga brownout sa bansa.

Lalo na’t dumadami ang populasyon at mga negosyo sa Pilipinas.

At kahit bagito man sa public service, halatang angat sa ibang neophyte congressman si Marcos.

Sa naunang exclusive interview ng SMNI kay Marcos, nauna na niyang pinasalamatan ang butihing Pastor sa tulong nito sa Marcos administration at ang suporta ng SMNI sa mga programa ng gobyerno.

More in National News

Latest News

To Top