Connect with us

Sangkaterbang mga baril, bala, patalim, cellphones atbp., nakumpiska sa maximum security compound ng Bilibid

Sangkaterbang mga baril, bala, patalim, cellphones atbp., nakumpiska sa maximum security compound ng Bilibid

National News

Sangkaterbang mga baril, bala, patalim, cellphones atbp., nakumpiska sa maximum security compound ng Bilibid

Ikinasa na ng mga Corrections officer sa New Bilibid Prison (NBP) ang kanilang mga armas, bilang paghahanda sa gagawing operation greyhound o oplan galugad sa maximum security compound kung saan pumuga ang apat na notoryus na persons deprived of liberty (PDL) kamakailan lang.

Ayon sa ulat, may mga bitbit na mga baril ang mga tumakas na PDL na ginamit laban sa mga empleyado ng BuCor na nagbabantay sa maximum security compound at nag resulta sa isang PDL at 3 BuCor personnel na sugatan.

Dahilan para magsagawa ng malawakang inspeksyon sa kada building sa loob ng maximum para malaman ang pinanggagalingan at kung mayroon pa ring natitira na mga baril, granada at iba pang kontrabando.

Kaya naman pinagsikapan ng mga BuCor personnel na makuha ang lahat nang itinatagong mga patalim, ibat-ibang klase ng baril, sumpak, cellphones at iba pa.

No description available.

Dahil may mga usap-usapan na maraming ginagamit na masasamang elemento upang pabagsakin si General Bantag para ibalik ang dating sistema kung saan namamayagpag ang mga drug lords sa loob ng compound.

Hindi rin pinalampas ng BuCor ang isinagawang operation greyhound sa Building 10 Quadrant 4 kung saan inihiwalay ang mga Chinese nationals, karamihan pa sa mga ito ay druglords.

Kaya matapos ang galugad, sangkaterbang mga armas, bala, patalim at iba pang kobtrabando ang nakuha.

Para naman kay Arnold Guzman Ct. Supt. ng BuCor, ‘di nila palalampasin ang mga ganitong gawain

Ayon pa kay Gabriel Chaclag, Spokesperson ng BuCor, matagal na ang mga nakuhang armas na ipinagyayabang pa diumano ng mga PDL sa Youtube, bago pa maupo ang kasalukuyang BuCor chief na si Gerald Bantag.

Para naman kay BuCor Chief General Gerald Bantag, hindi nito hahayaan na muling mamayagpag ang maiitim na balak ng mga PDL sa loob ng maximum security compound sa kaniyang pamamahala.

More in National News

Latest News

To Top