Connect with us

Sarangani, Davao Occidental, niyanig ng magkasunod na lindol

Sarangani, Davao Occidental, niyanig ng magkasunod na lindol

Regional

Sarangani, Davao Occidental, niyanig ng magkasunod na lindol

Niyanig ng magkasunod na lindol ang Sarangani, Davao Occidental bago magtanghali ngayong araw.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), unang naramdaman ang magnitude 5.2 na lindol sa layong 385 kilometro timog-silangan ng Sarangani kaninang alas-11:13 at may lalim na 117 kilometro.

Naramdaman ang instrumental intensity I sa bayan ng Alabel, Sarangani.

Makalipas ang ilang minuto, sunod namang tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa layong 401 kilometro timog-silangan ng Sarangani na may lalim na 113 kilometro

Kapwa tectonic naman ang origin ng magkasunod na pagyanig at habang walang inaasahang pinsala o aftershocks matapos nito.

More in Regional

Latest News

To Top