Connect with us

SB19, ibinida ang kanilang ‘Simula at Wakas’ EP sa isang event sa Laguna

SB19, ibinida ang kanilang 'Simula at Wakas' EP sa isang event sa Laguna

Showbiz

SB19, ibinida ang kanilang ‘Simula at Wakas’ EP sa isang event sa Laguna

Ibinida ng SB19 ang ilang mga kanta mula sa kanilang latest extended play na Simula at Wakas sa ginanap na All-Star Summer Concert sa Enchanted Kingdom, Sta. Rosa, Laguna kamakailan.

Una na rito ang DAM na sinundan ng ballad na TIME.

Hindi na rin pinalagpas ng grupo na kantahin ang DUNGKA!.

Ang All-Star Summer Concert sa Enchanted Kingdom ay isang buong araw na selebrasyon na ginanap noong April 27, 2025 at inorganisa ng isang Chinese consumer electronics company.

Maliban sa SB19, tampok dito ang iba pang sikat na OPM artists gaya nina KZ Tandingan, TJ Monterde, Darren Espanto at Over October.

More in Showbiz

Latest News

To Top