Connect with us

SDG murals sa Manila Clock Tower Museum, bukas na ngayon sa publiko

SDG murals sa Manila Clock Tower Museum, bukas na ngayon sa publiko

Metro News

SDG murals sa Manila Clock Tower Museum, bukas na ngayon sa publiko

Bilang suporta sa Sustainable Development Goals ng United Nations, binuksan na sa publiko ang ResiliArt Learning Space sa Manila Clock Tower Museum.

Pinangunahan ang pagbubukas ng International Theater Institute- Philippine Center ng Earth Savers Movement kung saan sa pagpasok sa Manila Clock Tower Museum makikita agad ang mga mural ng SDG.

Sumasalamin ang obra sa proteksyon ng mga tao at planeta habang isinusulong ang kapayapaan at kasaganaan sa pamamagitan ng pagtutulungan.

Ayon kay International Theater Institute- Philippine Center President Joey Lina ang SDG mural ay nagpapaalala sa publiko na ang mga tao sa mundo ay may karapatan para sa isang magandang planeta.

Kasabay ng inagurasyon ng mga murals ay ang pagbubukas ng bagong tanggapan ng bagong opisinang ITI Philippine Center at ng Earth Savers Movement sa loob mismo ng museo.

Continue Reading
You may also like...

More in Metro News

Latest News

To Top