Connect with us

Sec. Dar, tiwalang mareresolba ni PBBM ang problema ng smuggling at katiwalian sa DA

Sec. Dar, tiwalang mareresolba ni PBBM ang problema ng smuggling at katiwalian sa DA

National News

Sec. Dar, tiwalang mareresolba ni PBBM ang problema ng smuggling at katiwalian sa DA

Malaki ang tiwala ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na mareresolba ni President-elect Bongbong Marcos ang problema ng smuggling.

Gayundin ang isyu ng katiwalian sa loob mismo ng DA.

Ito ang inihayag ni Dar matapos sabihin ni Senator Tito Sotto na hawak na ni Pres-elect BBM ang listahan ng mga taong sangkot sa smuggling.

Ayon kay Dar, nakahanda na siyang humarap kay PBBM at posibleng mangyayari  ito sa gagawing transition ng da sa susunod na administrasyon.

Siniguro din ng kalihim na kung anuman ang magiging resulta sa ginagawang pagdinig at imbestigasyon ng kongreso, dapat aniyang managot ang mga sangkot.

May ginagawa na ring hakbang ang DA para makakuha ng mga ebidensiya laban sa mga itinuturong sangkot mula sa ahensya.

Sa ngayon, sinabi ni Dar na pansamantala muna nilang inilipat ang mga natukoy na DA personnel sa mga lugar na hindi nila maituloy ang kanilang malpractices.

Samantala, itinanggi naman ni Dar ang akusasyon na kanyang niyakap ang importasyon kaya tumagilid ang sektor ng agrikultura.

Paliwanag ni Dar, tinutugunan lamang nila ang nakikita nilang kakulangan ngunit sinisikap din ng DA na mapadami ang produksyon ng agrikultura sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top