Connect with us

Sec. Duque, lusot sa panawagang magbitiw sa pwesto

Hindi panahon ngayon ng pagsisisihan sa anumang mga pagkakamali habang nahaharap ang bansa sa pandemiya dulot ng COVID-19.

National News

Sec. Duque, lusot sa panawagang magbitiw sa pwesto

Hindi panahon ngayon ng pagsisisihan sa anumang mga pagkakamali habang nahaharap ang bansa sa pandemiya dulot ng COVID-19.

Ito ang pahayag ni Senator Christopher “Bong” Go, kaugnay sa usapin ng kapabayaang umano ni Health Secretary Francisco Duque III sa naunsiyaming pagbili ng bakuna kontra COVID-19 mula sa PFizer.

Pero, tila lusot nanaman si Secretary Duque sa panawagan ng ilan na magbitiw na ito sa pwesto dahil sa naulit nanaman na pagkakamali, matapos bigong asikasuhin ang  confidentiality disclosure agreement (CDA) sa Pfizer na dapat lalagdaan ng Office of President (OP) at hindi ng Department of Health (DOH).

Sa isa nitong panayam, August 11, dumating ang draft ng CDA at nais aniya ng Pfizer na lagdaan sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary (ES) ang CDA.

Ito’y para Hindi na dumaan pa sa maraming ahensiya ng gobyerno ang pagpapapirma ng nasabing kasunduan.

Ani Duque, “August 11, Pfizer sent a draft, ‘yun na ‘yung CDA. But that draft was meant to be signed by the Office of the ES on behalf of all government agencies.”

“That would have spared Pfizer from signing a confidentiality agreement with many other government agencies, so isa na lang dapat.”

Setyembre 24, ibinalik ng opisina ng executive secretary ang CDA sa DOH upang lagdaan matapos itong rebyuhin ng paulit-ulit ng mga concerned agency.

Aniya, hindi maaaring pirmahan ng DOH ang CDA para sa pamahalaan kaya’t magkahiwalay na pinirmahan ito ng Department of Science and Technology (DOST) at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.  nitong Oktubre 20 habang nitong Nobyembre ang DOST at ni Galvez.

“I have the chronology of events, so that this is all documented. There’s no such thing that I did not act quick enough,”

“When you go through a process, you cannot just be hurrying up things just like that. You have to be prudent and cautious especially because you are talking about a novel vaccine,” saad pa ni Duque.

Kaugnay nito, personal nang hinimok ni Senator Bong Go ang tanggapan ni Sec. Galvez upang ipaliwanag ang sinasabing pagkaantala ng pagbili ng bakuna kontra COVID-19.

Hindi naman nawala ang kasunduan ng Pilipinas at ng kompanyang Pfizer sa pagbili ng 10 milyong dose ng bakuna kontra COVID-19, ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez.

Ito ay matapos na sabihin sa isang tweet ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na “someone dropped the ball” o ibig sabihin may pumalpak sa pag-secure ng bakuna mula sa Pfizer na ginagamit na ng mas maraming bansa sa ngayon.

Nilinaw ni Romualdez na tuloy pa rin ang kasunduan at nakabili pa rin sila ng milyong dose ng bakuna, pero ang sanay pagbili ng bakuna na makukuha sa buwan ng Enero ay muli itong inurong sa buwan ng  Hunyo taong 2021 dahil may mga naunang bansa ang nakapag-ayos ng kasunduan gaya ng Singapore.

“Only pushed back to later date of delivery possibly June next year because we did (not) act quick enough on the CDA (Confidential Disclosure Agreement). Other countries got ahead of us like Singapore.”

More in National News

Latest News

To Top