National News
Security lapses ng Bilibid kaya natakasan ng inmate, isang kahihiyan – Sen. Bato Dela Rosa
Hindi katanggap-tanggap at kahiya-hiya ang lapses ng New Bilibid Prison (NBP) sa seguridad nito para matakasan ng inmate na si Michael Cataroja ayon kay Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.
Giit ni Dela Rosa, isang mortal sin ang malayasan ng preso sa maximum security.
Dahil dito, kailangan aniyang magkaroon ng imbestigasyon para matukoy ang naging kapabayaan sa command responsibility.
Matatandaan na si Dela Rosa ay dating director general ng Bureau of Corrections (BuCor) bago ito itinalaga bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).
Itinakda naman bukas, araw ng Martes, Agosto 22 ang imbestigasyon ng Senate Committee on Justice and Human Rights sa pagtakas ni Cataroja.
