Connect with us

Security ni VP Sara, posibleng maibalik sa katapusan ng 2024

Posibleng sa katapusan pa ng taong 2024 maibalik ang mga inalis na pulis ni PNP Chief Marbil kay Vice President Sara Duterte

National News

Security ni VP Sara, posibleng maibalik sa katapusan ng 2024

Posibleng sa katapusan pa ng taong 2024 maibalik ang mga inalis na pulis ni PNP Chief Marbil kay Vice President Sara Duterte

Paliwanang ng PNP, hihintayin pang matapos ang pagsasanay ng nasa 2,500 recruits sa NCRPO saka pa lamang makababalik sa kani-kanilang rehiyon ang mga sinibak na pulis kasama ang 75 security detail ng pangalawang pangulo.

Ayon sa PNP, hanggang hindi natatapos ang pagsasanay ng mga nasabing recruits mananatili sa Metro Manila ang mga pulis Mindanao.

Gagamitin umano ang mga ito sa pagmamando ng trapiko lalo na sa mga pangunahing lansangan, places of convergence tulad ng terminal, simbahan at paaralan lalo na ngayon na nagsimula ang pasukan ngayong taon.

Ayon sa NCRPO, masaya at mataas ang morale ng mga ito sa paglilipat sa kanila sa Metro Manila sa kabila ng kontrobersyang sapilitan lamang silang kinuha kasama ang mga pulis na matagal ng nagta-trabaho sa pamilya Duterte.

More in National News

Latest News

To Top