Connect with us

Seguridad ng mga komunidad sa Cotabato, pinatitiyak ng PNP chief

Seguridad ng mga komunidad sa Cotabato, pinatitiyak ng PNP chief

Regional

Seguridad ng mga komunidad sa Cotabato, pinatitiyak ng PNP chief

Pinuri ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang sa pagkakaaresto sa isang miyembro ng teroristang grupo matapos ang operasyon sa Cotabato.

Kinilala ang nahuli na si Jordan Kamad, alyas Jordan Akmad, 38 taong gulang at miyembro ng Alkobar Group at konektado sa Daulah Islamiyah-Mindanao sa ilalim ng yumaong si Salahudin Hassan.

Isinilbi ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at militar ang warrant of arrest sa kasong Frustrated Murder at Murder kay Kamad sa Barangay Salat, President Roxas, Cotabato.

Ayon kay Azurin, isang magandang development sa kampanya kontra kriminalidad ang pagkakaaresto kay Kamad lalo sa mga patuloy na sumusuporta sa kanilang grupo.

Hinimok ng chief PNP ang kanilang mga tauhan na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng operasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga komunidad.

More in Regional

Latest News

To Top