Connect with us

Sekreto ni Enrile sa mahabang buhay, paglaban sa COVID-19, alamin

operasyon ABS-CBN press freedom

National News

Sekreto ni Enrile sa mahabang buhay, paglaban sa COVID-19, alamin

Tamapulan ng biro sa social media si dating senate president Juan Ponce-Enrile.

Nagsulputan ang nakakatawang memes ng dating mambabatas.

Ito ay dahil sa tila pagiging imortal nito sa haba ng buhay at mahabang nakapagsilbihan sa pamahalaan.

Mula sa luma hanggang sa bagong  henerasyon ay parang walang hindi nakakakilala kay Enrile o kilala rin sa tawag na Manong Johnny.

Sa kanyang programa sa DZAR 1026 Sonshine Radio Manila, kada Sabado alas 7:30 hanggang alas 9 ng umaga, ibinihagi nito na marami na siyang mga napagdaanan mula nang magserbisyo ito sa gobyerno noong 1960s hanggang sa kasalukuyan.

Pero ano nga ba ang sekreto ni JPE sa kanyang mahaba at malusog na buhay lalo na ngayong may banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“Alam mo ako, ang ginagawa ko dito, sasabihin ko lang sa inyo. Every morning, magmula nang magkaroon nitong COVID-19, dahil ginawa ko yan sa buhay ko. Nagpapa-araw ako eh, may upuan ako diyan sa garden ko,” saad pa ni Enrile.

“At umiinom ako ng virgin coconut oil. Yung sinasabi nila na iinom ka ng, hindi ako nagkakape sa labas, ang iniinom ko.”

“At kapag kumakain ako, kumakain ako ng sili. 97 years old na ako. Awa ng Diyos, nandito pa naman ako. Kaya sinasabi nilang immortal ako. Hindi ako immortal. Kaya lang dapat may disiplina ka sa katawan mo eh.”

Batid naman ni Enrile na tampulan siya ng biro sa social media.

Pero para sa kanya, kung ito naman ay nakakapagpasaya sa kanila ay wala itong nakikitang problema.

More in National News

Latest News

To Top