Connect with us

Sektor ng agrikultura, dapat magkaroon ng bersyon ng Build Build Build program

Sektor ng agrikultura, dapat magkaroon ng bersyon ng Build Build Build program

National News

Sektor ng agrikultura, dapat magkaroon ng bersyon ng Build Build Build program

Dapat magkaroon ng bersyon ng Build Build Build program sa sektor ng agrikultura.

Ito ang payo ni outgoing Agriculture Secretary William Dar kay President-elect Bongbong Marcos.

Ayon kay Dar, ang kanyang suhestiyon ay para maisulong ang irigasyon ng aabot sa 1.1 milyong ektarya ng mga lupang sakahan sa bansa.

Kung maisulong ang maayos na irigasyon, sinabi ni Dar na malaki ang magiging ambag nito upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain.

Dapat aniya sa loob ng 6 na taon ay matapos na ang irigasyon sa 1.1 milyong ektaryang lupain na tinutukoy ng outgoing Agriculture Secretary.

More in National News

Latest News

To Top