Connect with us

Sen. Allan Cayetano, tiniyak ang pagsusuri sa NSB

Sen. Allan Cayetano, tiniyak ang pagsusuri sa NSB

National News

Sen. Allan Cayetano, tiniyak ang pagsusuri sa NSB

Bilang tugon sa pangamba ni dating Sen. Panfilo Lacson sa negatibong pananaw ng publiko sa New Senate Building, tiniyak ni Accounts Committee Chair Senator Allan Cayetano ang mahigpit at malayang paraan ng pagsusuri ukol dito.

Ayon kay Cayetano ang kanilang pagdinig sa isyu ay magiging factual at independent kung saan hindi maari ang mga akala o haka-haka lamang.

Ito ang sinabi ng Senador matapos maghayag ng pagkadismaya si dating Sen. Lacson sa NSB project kung saan sinabi nitong nakikita na ngayon ang potensyal na simbolo ng maling paggamit ng pondo ng pamahalaan.

Magugunitang sa pagdinig ng Senado iginiit ni Sen. Nancy Binay na mali si Cayetano hinggil sa kabuuang halaga ng proyekto na lumubo sa P23.3-B.

Buwelta naman ni Sen. Cayetano ang numerong nabanggit ay galing mismo sa team ni Binay  na kabilang sa nangangasiwa sa proyekto.

More in National News

Latest News

To Top