Connect with us

Sen. Angara, kinilala ang malaking mandato na ibinigay ng taumbayan kay BBM

Sen. Angara, kinilala ang malaking mandato na ibinigay ng taumbayan kay BBM

National News

Sen. Angara, kinilala ang malaking mandato na ibinigay ng taumbayan kay BBM

Kinilala ni Sen. Sonny Angara ang malaking mandato na natanggap ni incoming President Bongbong Marcos Jr. mula sa taumbayan maging ang pangangailangan na matupad ang pangako nito para sa mga Pilipino.

Kaya naman aniya kung siya ang muling mailalagay na Chairman ng Senate Committee on Finance ay nangako ito na magkakaroon sila ng mahigpit na pakikipag-ugnayan sa papasok na administrasyon.

 “If I am re-elected Chairperson of the Finance Committee, we will work closely with the President and his cabinet to ensure the funding of programs and policies crucial to the delivery of public services. We in the Senate are cognisant of the huge mandate the President has received and the need to fulfill promises to the people,” ani Angara.

Ito ay upang matiyak aniya na mapopondohan ang mga programa at polisiya para sa paghahahatid ng serbisyo para sa mga tao.

Sa papasok na bagong Senado sa Hulyo ay maaring magkaroon ng reshuffling ng chairmanship sa Finance committe na pinamumunuan ngayon ni Angara.

Sinasabi na si Senator Imee Marcos, kapatid ay gustong hawakan ang naturang komite.

Ang Finance Committee ay isa sa mga mahahalagang komite sa Senado kung saan dito dumadaan ang Proposed National Budget ng Executive Branch.

Sinabi naman ni Angara na nakahanda itong ibigay kay Marcos kung ito ang magiging desisyon ng Majority sa Senado.

Pero umaasa ang senador na ang masusunod dito ay ang equity of the incumbent kung saan ang mga incumbent senators ay binibigayng paryoridad para sa committee chairmanships.

Aniya ito na ang naging tradisyon ng mga nakalipas na congress.

“It’s a way of instilling order. ‘Pag ni-rumble mo lahat, marami ang sasama ang loob, ‘yung mga chairmen ng existing committees magtatanong, ‘Bakit? Dahil lang nagpalit ng Pangulo? Parang hindi naman nirerespeto ‘yung trinabaho namin nung nakaraang mga taon,” dagdag pa nito.

More in National News

Latest News

To Top