Connect with us

Sen. Bato, bukas na makinig sa panukalang Divorce Bill

Sen. Bato bukas na makinig sa panukalang Divorce Bill

National News

Sen. Bato, bukas na makinig sa panukalang Divorce Bill

Bukas si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na pakinggan ang magkabilang panig sa panukalang Divorce Bill sakaling talakayin na ito sa Senado.

Subalit iginiit ni Dela Rosa na siya ay sagradong katoliko kung saan hangga’t maaari ay ayaw niyang maghiwalay ang pinagkaisang dibdib ng Panginoon.

Aniya, bukas siyang pakinggan ang gagawing pagdinig sa Senado at kung may makikita siyang sapat na mga basehan at demand baka sakali kanya itong susuportahan.

“As much as possible, ayaw kong mg divorce ang mag-asawa pero pakikiramdaman ko muna sa mga gagawing hearing kung talagang mag-mount (lalaki) yung demand ng tao about divorce and maybe I will go for it,” ani Sen. Bato.

Sa ngayon aniya nagdadalawang isip ang senador sa naturang isyu at sanay maunawaan naman siya ng kabilang panig dahil sa kanyang paniniwala.

Dagdag pa ni Bato na ayaw niyang matulad ang mga bata tulad sa Estados Unidos na nagdurusa dahil sa nagdidiborsyo na mga magulang.

“Ayaw kong masira yung pamilya. Nakikita ko kasi ang mga bata doon sa Amerika na nagsu-suffer dahil sa nagde-divorce na parents. Pero kung mas lalo silang nagsu-suffer kung laging nag-aaway ‘yung parents then maybe we will give it a try,” dagdag pa ng senador.

Samantala, sa kabilang banda kung makikita ng senador na mas lalong nagdurusa ang mga anak kung laging nag-aaway ang mga magulang baka ito ang mag trigger para sumang-ayon siya sa panukalang divorce bill.

More in National News

Latest News

To Top