Connect with us

Sen. Bato Dela Rosa, hindi dadalo sa imbestigasyon ng Kamara sa isyu ng drug war

Sen. Bato Dela Rosa, hindi dadalo sa imbestigasyon ng Kamara sa isyu ng drug war

National News

Sen. Bato Dela Rosa, hindi dadalo sa imbestigasyon ng Kamara sa isyu ng drug war

Hindi dadalo si Senador Ronald Dela Rosa sa imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa isyu ng war on drugs sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Senador na ang hindi niya pagdalo ay batay na rin sa payo ni Senate President Francis Escudero.

Bagama’t wala pa siyang opisyal na imbitasyon mula sa House Committee on Human Rights humingi siya ng gabay kay Senate President Escudero kasunod ng mga nangyari kamakailan sa Mababang Kapulungan.

Payo ng Pangulo ng Senado ang pagpapa-iral ng inter-parliamentary courtesy.

Nilinaw ni Dela Rosa na sumusunod lamang siya sa matagal ng tradisyon ng Senado na sundin ang pinakamataas na lider.

More in National News

Latest News

To Top