Connect with us

Sen. Bato, di’ takot na bitayin ng ICC dahil sa war on drugs

Sen. Bato, di' takot na bitayin ng ICC dahil sa war on drugs

National News

Sen. Bato, di’ takot na bitayin ng ICC dahil sa war on drugs

Hindi aatrasan si Sen. Ronald Bato Dela Rosa sa sinumang tutuligsa sa kanyang paglaban noon sa iligal na droga sa nakaraang Duterte administration.

Sa katunayan sa kanyang naging talumpati sa harap ng mga miyembro ng Fraternal Order of Eagles ay nanawagan pa ito sa naturang grupo na ipagpatuloy ang kanyang adbokasiya.

Aniya, kahit na bitayin pa siya ng International Criminal Court (ICC) hindi siya aatras sa paglaban sa ipinagbabawal na droga na nakakasira sa kinabukasan ng pamilya at mga kabataan.

Matatandaan na si Sen. Bato ay ang chief of police ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng ilunsad at pangunahan ang kampanyang war on drugs.

Ang 2 ay parehong inirereklamo sa ICC dahil sa umanoy human rights violations na hanggang sa ngayon ay hindi pa napatutunayan.

Pero sa kabila nito ay sinabi ni Sen. Bato na wala siyang pakialam na kahit na maging impiyerno ang buhay niya basta kanya lamang na masiguro ang maayos na pamumuhay ng kanyang mga kababayan na hindi lulong sa ipinagbabawal na droga.

More in National News

Latest News

To Top