Connect with us

Sen. Bato, kinontra ang desisyon ni Escudero na bigyan ng Senate hearing transcript ang ICC

Sen. Bato, kinontra ang desisyon ni Escudero na bigyan ng Senate hearing transcript ang ICC

National News

Sen. Bato, kinontra ang desisyon ni Escudero na bigyan ng Senate hearing transcript ang ICC

Kwestiyunable para kay Senador Bato Dela Rosa kung magbibigay ng certified transcript ang Senado sa International Criminal Court o ICC.

“I would ask him why would you submit?” saad ni Sen. Bato.

Sa isang press briefing araw ng Martes ay sinabi ni Senador Bato na hindi siya sang-ayon na magkaroon ng kopya ang ICC ng transcript sa ginanap na pagdinig ng Senado sa War on Drugs campaign ng Duterte Administration.

Kasunod ito ng sinabi ni Senate Presidente Francis ‘Chiz” Escudero na wala itong nakikitang dahilan para hindi bigyan ng certified transcript ng naturang pagdinig ang ICC.

Sabi ni Escudero na ang transcript ay isang public document, at pwede itong ibigay sa International Criminal Court sakaling hingin at may sapat na rason.

Pero tanong ni Senador Dela Rosa, kikilalanin ba ng Senado ang jurisdiction ng ICC gayung tutol dito ang pangulo?

“Kung mag-submit siya I would like to question him why are you submitting to ICC when in fact we do not recognize their jurisdiction of ICC? Bakit?”

Matatandaan na una nang sinabi mismo ni Pangulong Bongbong Marcos, ang chief architect ng foreign policy na hindi na makikipag-ugnayan ang Pilipinas sa ICC.

Ipinunto ni Senator Bato na sakaling ibigay ni Escudero ang transcript ay nangangahulugan ito na sang-ayon ang Senado na may hurisdiksyon ang ICC sa ating bansa.

“Although we are a co-equal branch of government with the executive, kung ‘yun ang stand ng executive branch of government na hindi i-recognize eh ‘di sana ‘yung legislative branch also will follow the same line.”

Bagamat wala pang pormal na rekwest ay lumulutang na ang transcript ng pagdinig sa Senado kaugnay sa war on drugs ay posibleng gamitin ng ICC.

Sa ICC may nakasampang reklamo na crime against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, Senador Bato Dela Rosa at iba pa.

“Pag sinabi ng Malakanyang na hindi natin i-recognize ‘yung jurisdiction ng ICC ‘di dapat natin irecognize ang ICC as a country or as a nation. Magkaisa tayong lahat.

Hindi ‘yung iba ang sinasabi ng Malakanyang, iba yung sinasabi ng Senado. Dapat magkaisa tayo. Ang habol ko lang ay ‘di tayo magmukhang tanga.”

Posible namang magsagawa ang Senado ng isa pang pagdinig kaugnay sa war on drugs sa kalagitnaan ng buwan ng Nobyembre.

More in National News

Latest News

To Top