Connect with us

Sen. Bato, pinababalik ang mga taga-Davao na security ni VP Sara

Sen. Bato, pinababalik ang mga taga-Davao na security ni VP Sara

National News

Sen. Bato, pinababalik ang mga taga-Davao na security ni VP Sara

Personal nang nakiusap si Senator Bato Dela Rosa kay Philippine ntional Police (PNP) Chief Rommel Marbil na bigyan ng kalayaan si Vice President Sara Duterte na pumili ng nais nitong security personnel kapalit ng kanyang kaligtasan at seguridad ng kanyang pamilya.

Kasunod ito nang ginawang desisyon ni Marbil nang tanggalan ang bise presidente ng 75 security details kung saan karamihan sa mga ito ay matagal nang nagsisilbi sa mga Duterte.

Bagay na nagreklamo rito ang pangalawang pangulo dahil na rin sa kawalan ng pasabi sa kanya at ilan pang kasinungalingang ginawa ng PNP sa kanyang opisina gaya ng kawalan daw ng namomonnitor na banta sa buhay ni VP Sara at kakulangan ng pulis sa metro manila ang dahilan ng pagtatanggal sa kanya ng security.

Ayon kay Sen. Dela Rosa, naiintindihan niya na mahalagang ang mismong bise presidente ang pipili ng kanyang seccurity detail dahil ito mismo ay nakakaalam na hindi siya magkakaproblema sa kanyang kaligtasan mula sa mga taong kanyang pinagkakatiwalaan.

Paano na lang ani Senator Bato kung may mangyari masama kay VP Sara, “Pag ‘yan ay naambush ng NPA at nagsipagtakbuhan ang mga security niya, nakakahiya tayo. Pero kung ‘yung ibalik mo iyung mga taga-Davao na talagang makipagpatayan sa kanya ‘yung mga local.

“Sagot lang ni Marbil, kung may pangangailangan naman ang pangalawang pangulo ay maaari naman daw silang magbigay ng karagdagang security.”

Ngunit ang tanong, bakit kailangan pang bawasan ng security si VP Sara? Kasabay ng paninindigan na wala raw banta sa buhay ng bise president.

Sinagot din ni Marbil ang tanong ni Sen. Bato kung tiyak ba siyang walang banta sa buhay ni VP Sara, “Sir ang may hawak po ng security Vice President Presidential Security Command, it was issued on July 9, the security of the president and VP lies on the presidential security command, and we will not stop po, if general Morales and the PSG ask to ask for more personnel then we will give po.”

Sa huli, hindi pa rin kumbinsido si Sen. Bato na imposible aniyang walang banta sa buhay ni VP Sara gayong hindi basta basta ang mga nilalabanan nito sa gobyerno kabilang na ang CPP NPA NDF.

Matatandaang, prayoridad noon ni VP Sara bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) ang paglaban sa laganap na recruitment ng CPP NPA NDF sa mga paaralan at mailayo ang mga ito sa impluwensiya ng pagiging isang rebelde sa pamahalaan.

 

More in National News

Latest News

To Top