National News
Sen. Bato, rumesbak kay Cong. Acop sa ‘di pagdalo sa kanilang pagdinig
Sinagot ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang pasaring ni Antipolo Congressman Romeo Acop na nagtatago ang senador sa likod ng palda ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Senador Bato, hindi kinakailangan magtago sa palda ng iba sapagkat ang mga salita ng Kamara ay hindi makakapinsala sa kanya.
Si Bato ay inakusahan ni Acop na nagtatago sa palda ni VP Sara habang patuloy ang imbestigasyon ng Kamara tungkol sa kampanya laban sa ilegal na droga ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Paulit-ulit na ipinaliwanag ni Dela Rosa na hindi siya dadalo sa imbestigasyon ng Kamara dahil sa inter-parliamentary courtesy at hindi dahil natatakot siya sa mga tanong at alegasyong maaaring ibato sa kanya.
Inilarawan ni Dela Rosa ang imbestigasyon ng Kamara bilang isang “fishing expedition” na layuning durugin ang mga kaalyado ni Duterte bago ang mga halalan sa 2025 at 2028.