National News
Sen. Bato, umaasa na isasaalang-alang ng Malakanyang ang reporma ng PNP
Umaasa si Senador Ronald Dela Rosa na isasaalang-alang ng Malakanyang ang mahigpit na pangangailangan na magkaroon ng reporma sa Philippine National Police (PNP).
Ginawa ng Senador ang pahayag makaraang i-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Senate Bill 2249 at House Bill 8327 na nagsusulong para sa reporma ng PNP.
Ayon kay Dela Rosa na pangunahing sponsor ng SB 2249 o’ An Act Providing for Organizational Reforms in PNP kung saan ang nasabing panuka ay inendorso ng PNP at Department of the Interior and Local Government (DILG) na layuning matugunan ang mga kakulangan sa batas na matagal nang kinakaharap ng kapulisan sa loob ng mahigit 1 dekada.
Ikinalungkot din nito dahil ang pagsisikap ng Kongreso, PNP, DILG at National Police Commission (NPC) ay nasayang kung saan inaasahan din ng Senador na ang mga ahensyang ito ay patuloy na tutulong sa mga mambabatas upang makabuo ng hakbang at patakaran na magpapabuti sa buong hanay ng pulisya.
