National News
Sen. Binay tiwalang magiging patas si Sen, Tolentino sa pagdinig nito laban kay Sen. Cayetano
Umaasa si Senador Nancy Binay na magiging patas si Senador Francis Tolentino sa gagawing pagdinig sa kanyang reklamo laban kay Senador Allan Peter Cayetano.
Magugunitang kamakailan ay naghain ng reklamo sa Senate Committee on Ethics ni Sen. Francis Tolentino si Sen. Binay dahil sa umano’y pambabastos ni Cayetano sa pagdinig kaugnay sa sinasabing paglobo ng budget ng New Senate Building (NSB).
Sinabi ni Binay na handa siyang sumunod kung ano man ang magiging hakbang ng komite dahil sinabi ni Tolentino na aaksyunan ang kanyang reklamo.
Malaking bagay aniya na abogado si Tolentino dahil alam nito ang tamang judicial process ng kanyang reklamo laban kay Cayetano na isa ring abogado.
Una nang sinabi ni Tolentino na maari niyang personal na pagharapin muna ang 2 Senador para maresolba ang problema bago sila isalang sa Ethics Committee.
