Connect with us

Sen. Bong Go, binigyan ng pinakamataas na pagkilala ni Pang. Duterte

Ikinalugod si Senator Christopher Bong Go ang ipinarangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanya. Ito ay ang order of Lakandula with the Rank of Grand Cross

National News

Sen. Bong Go, binigyan ng pinakamataas na pagkilala ni Pang. Duterte

Ikinalugod si Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang ibinigay na parangal sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay ang Order of Lakandula with the rank of Grand Cross at Order of Lapu-Lapu with the rank of Magalong.

Ayon kay Go, hindi nito inaasahang mabibigyan siya ng ganitong karangalan dahil sa tagal nilang pagsasama ng pangulo ay hindi na aniya dapat naghahangad ang isang lingkod bayan na tulad niya na makatanggap ng pagkilala.

Aniya, sapat na para sa kanya na makita ang ngiti ng mga Pilipino kapag kanyang nabigyan ng serbisyo at tulong sa kanilang hirap na dinaranas.

Buong puso namang nagpapasalamat si Go kay Pangulong Duterte at sa sambayanang Pilipino sa pagkakataong makapaglingkod.

Samantala, muling tiniyak ng senador na gagawing inspirasyon ang iginawad na pagkilala para mas pagbutihin at pag-ibayuhin pa ang paglilingkod sa mga Pilipino at sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top