Metro News
Sen. Bong Go, binista ang MMDA; nagbigay ng 10 motorsiklo
Binisita ni Senador Bong Go ang Metro Manila Development Authority (MMDA) para personal na makita ang mga ginagawa ng ahensiya.
Sinilip din ng mambabatas ang modernong MMDA command center sa Julia Vargas, Pasig City kung saan makikita dito ang galaw ng trapiko sa kalakhang Maynila.
Una rito, personal na namahagi ng 10 motorsiklo si Go para sa mga MMDA riders na pangunahing nakakatulong sa pagsasaayos ng trapiko.
Magugunitang si Senator Go kasama ang dating Pangulong Rodrigo Duterte ay kapwa riders kung saan gawain na nilang magmotor marating lang ang mga lugar ng mabilisan.
Si Go na miyembro din ng Senate Committee on Public Services ay kadalasang nakikitang nakamotor kapag bumibisita ito at hinahatiran ng tulong ang mga biktima ng sunog.
