Connect with us

Sen. Bong Go, isinusulong ang pagpapalakas ng health facilities sa bansa

Sen. Bong Go, isinusulong ang pagpapalakas ng health facilities sa bansa

National News

Sen. Bong Go, isinusulong ang pagpapalakas ng health facilities sa bansa

Sa sponsorship speech ni Sen. Bong Go, kinakailangan na aniya ng bansa ang pagpapabuti ng healthcare system lalo na sa kinakaharap na banta ng COVID-19 at ng mga variant nito.

 “Sa gitna ng naglalabasang COVID-19 variants, dapat palagi nating palakasin pa ang ating healthcare system. Bago pa man ang pandemya, kulang na po ang mga kama sa mga pampublikong ospital.”

Isinalaysay ng senador ang mga karanasan nito sa pag-iikot sa mga ospital at ang hindi magandang kalagayan nito.

“As I have recounted many times before, saksi po ako sa kalagayan ng ating mga kababayan sa pag-iikot ko sa mga ospital sa buong bansa. Nakakapanlumo pong makita na iyong ibang pasyente nasa corridor na ng ospital dahil walang available na kama.”

“Bukod sa problema kung papaano bibilis ang kanilang paggaling, nagiging isyu na rin po ang hawaan ng sakit pati na rin ang kalusugan at seguridad ng ating mga healthcare workers. Bigyan po natin sila ng pansin at wag natin silang pabayaan.”

Ipinaliwanag ni Go na ilan sa mga measures ay kailangan kaugnay sa amendment ng naunang mga batas na naglikha ng specific bed capacities ng mga ospital ng Department of Health (DOH). Ani Go ilan sa mga bills na ito ay mag-coconvert at mag-a-upgrade ng sanitaria sa ilalim ng DOH bilang general hospitals.

“Since 2005, our sanitaria have been carrying out the dual function of general patient care and leprosy care. Though the numbers of leprosy cases are decreasing, its mandate of serving the general population has been steadily increasing through the years.”

“We therefore need to officially acknowledge that our sanitaria functions as general hospitals already and increase their bed capacity to serve the general population.”

Ang naturang panukala ay layuning i-coconvert ang Cotabato sanitarium sa Sultan Kudarat bilang general hospital at tatawaging Cotabato Sanitarium and General Hospital; ang Sulu Sanitarium sa Jolo bilang general hospital din at tatawaging Sulu Sanitarium and General Hospital; at ang Western Visayas Sanitarium sa Santa Barbara, Iloilo bilang general hospital at tatawaging Western Visayas Sanitarium and General Hospital. Kasabay nito ay magdaragdag ng bed capacities sa naturang mga ospital.

Layunin din nito na i-upgrade ang Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City, Albay bilang general at subspecialty hospital at tatawaging Bicol Regional Hospital and Medical Center; ang Don Jose S. Monfort medical Center Extension Hospital sa Barotac Nuevo, Iloilo bilang tertiary hospital at tatawaging don Jose S. Monfort Medical Center.

Dagdag pa dito ipinanukala rin ni Go ang batas na magdadagdag ng bed capacity ng iba pang ospital gaya ng Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center sa Cabanatuan City, Nueva Ecija na mula sa 400 ay gagawing 1,000 beds; Ilocos Training and Regional Medical Center sa San Fernando City, La Union na mula sa 300 ay gagawing 800 beds; Northern Mindanao Medical Center sa Cagayan de Oro City, Misamis Oriental na mula sa 600 ay gagawing 1,200 beds; at vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City na may 1,200 beds ay gagawing 1,500 beds.

Diin pa ni Go na ang lahat ng naturang mga ospital ay lumampas na sa ideal bed occupancy rate.

“Ibig sabihin po ay kulang na kulang talaga ang hospital beds. Ito namang mga hospitals na ito, para ito sa mga mahihirap. Karamihan ng nagpapa-admit dito ‘yung mga walang wala talaga.”

Ipinaliwanag din ng senador na ang implementasyon ng mga batas na ito ay by phases at ang lahat ng mga ospital ay may nakalaang pondo sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act.

“It is for these reasons that I am seeking this chamber’s support for the immediate passage of these measures.”

Maliban dito ay nag-sponsor din si Go ng mga measures na  magtatatag ng mga bagong DOH hospitals sa buong bansa.

 

More in National News

Latest News

To Top