Connect with us

Sen. Bong Go, pinaiimbestigahan ang mga ospital na tumatanggi na mga pasyenteng may emergency concern

National News

Sen. Bong Go, pinaiimbestigahan ang mga ospital na tumatanggi na mga pasyenteng may emergency concern

Pinaiimbestigahan na ni Senator Christopher ‘Bong’ Go sa mga concerned agencies ang mga ospital na patuloy na tumatanggi sa mga pasyente na may mga emergency concerns sa gitna ng COVID-19 lockdown.

Aniya, kailangan maging accountable ang mga hospital personnel sa ganitong klase ng kapabayaan.

Dagdag pa ng senador na base sa utos ng pangulo ay hindi dapat maging mapili ang mga ospital sa kung sino lang ang gusto nilang gamutin.

Naiintindihan naman ani go ang sitwasyon ng bansa ngayon katulad na lamang ng mga punong ospital at pagkukulang sa mga medical supplies, pero hindi aniya ito dahilan para hindi tumanggap ng mga taong nangangailangan ng tulong medikal.

Giit pa ng mambabatas na isa itong malaking paglabag sa batas.

 

More in National News

Latest News

To Top