National News
Sen. Bong Revilla, isinugod sa ospital
Martes ng gabi, ika-16 ng Abril, ay isinugod sa Ospital si Senador Ramon Bong Revilla Jr.
Ibinahagi ng senador ang nangyari sa kanya sa isang Facebook live.
Ayon sa senador, nagkaroon ng sugat o punit ang kanyang Achilles tendon dahil sa pagtatakbo.
50% ng kanyang Achilles tendon ang pektado aniya ay at posibleng aabot ng 6 na buwan ang kailangang pahinga matapos maoperahan.
“Good evening. Guess where I am right now? I’m at the hospital. It’s a bit sad but I am okay. I had an injury, my Achilles tendon had a partial tear and it seems like I need to undergo an operation,” pahayag ni Sen. Bong Revilla sa isang Facebook post.
Kasama ng senador sa kanyang Facebook live ay ang kanyang anak na si Cavite Congressman Jolo Revilla.
Hiniling naman ni Jolo na ipagdasal ang kanyang ama.
Araw ng Miyerkules, Abril 17, ay inaasahan na lalabas na ang resulta sa check-up ng senador.
