National News
Sen. Cayetano, binatikos ang DPWH sa pagbagsak ng tulay sa Isabela
Matapang na binatikos ni Senador Alan Peter Cayetano ang Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa tila kawalan ng agarang aksyon kaugnay ng pagbagsak ng Cabagan-Sta. Maria Bridge sa Isabela.
Sa isang pagdinig, direkta niyang tinanong si DPWH Secretary Manuel Bonoan kung may mga opisyal na bang nasuspinde habang iniimbestigahan ang insidente, ngunit inamin ng kalihim na wala pa.
Giit ni Cayetano, mahalaga ang preventive suspension upang matiyak ang patas at maayos na imbestigasyon.
Hindi rin niya naiwasang kwestiyunin ang tila kawalan ng galit o pagkabahala sa nangyari, na dapat sana’y magsilbing wake-up call sa ahensya.
Para sa senador, hindi ito isang simpleng isyu, kundi isang seryosong usaping nangangailangan ng mabilis at kongkretong aksyon upang mapanagot ang dapat managot at maiwasan ang posibleng cover-up sa insidente.
