Connect with us

Sen. Cynthia Villar, bumuwelta sa mga nais amyendahan ang Rice Tariffication Law

Sen. Cynthia Villar, bumuwelta sa mga nais amyendahan ang Rice Tariffication Law

National News

Sen. Cynthia Villar, bumuwelta sa mga nais amyendahan ang Rice Tariffication Law

Hindi sang-ayon si Senate Committee on Agriculture Chair Cynthia Villar sa panawagan ng Department of Agriculture (DA) at ng Kamara de Representantes na amyendahan ang Rice Tariffication Law (RTL). Ikinababahala ng senadora na siyang may akda ng nasabing batas na sa pag-amyenda rito ay magresulta sa kurapsyon.

“Minsan di nila naiintindihan eh nagsasalita sila,” ayon kay Sen. Cynthia Villar.

Pumalag si Senador Cynthia Villar sa pinakahuling tangka na amyemdahan ang RTL.

Sa Kamara kasi ay nais ni House Speaker Martin Romualdez na amyendahan ang nasabing batas upang ibalik ang kapangyarihan ang National Food Authority (NFA) na magbenta ng bigas.

Sa isang house briefing kamakailan, una na ring nanawagan ang si DA Undersecretary Christopher Morales sa mga mambabatas sa Kamara na ibalik sa NFA ang kapangyarihan na mag-import ngunit sa ilalim ng ilang partikular na kondisyon.

Ngunit ang mga nasabing partikular na kondisyon ay hindi nabanggit.

Paliwanag ni Villar, tinanggal nila ang kapangyarihan ng NFA matapos ang imbestigasyon sa Senado na walang nagawa ang NFA para maparami ang suplay ng bigas mula sa lokal na produksyon at mapababa ang presyo nito sa merkado.

Sa halip aniya, nasangkot pa sa katiwalian ang NFA dahil sa traders nila na ibinebenta ang mga imported rice sa halip sa lokal na pamahalaan at ahensya ng gobyerno.

Paliwanag ni Villar na ang solusyon ng kanyang ginawang batas ay hindi base sa pansariling obserbasyon.

Ito ay base aniya sa resulta ng pag-aaral ng Philippine Institute of Development Study.

Banat pa ng senadora, minsan ay nagsasalita agad ang mga bumabatikos sa RTL ng hindi naiintindihan ang mismong batas.

More in National News

Latest News

To Top