National News
Sen. Cynthia Villar, pinuri ang mga nagawa ng NIA
Kinilala ni Senator Cynthia A. Villar ang mga nagawa ng National Irrigation Administration (NIA) upang maisulong at gabayan ang pag-unlad ng ating irigasyon.
Sa kanyang pananalita sa 59th Anniversary celebration ng NIA, tinukoy ni Villar ang sama-samang pagtataguyod nina NIA Administrator Bong Visaya at ang kanyang team, at ang samahan ng mga magsasaka at irrigators sa pagsusulong sa higit na paglago ng ating sistema sa irigasyon at pagtulong sa mga magsasaka at komunidad.
“It takes both knowledge in efficient engineering to develop and maintain irrigation systems in support of the agricultural program of the government,” ayon kay Villar.
Binanggit din niya ang dedikasyon at pangako ng ‘men and women of NIA’ at ang suporta ng irrigators associations sa buong bansa na magbigay ng sapat na serbisyong pang-irigasyon bilang pakikipag-partner sa mga magsasaka at local government units.
Binati niya sina Visaya at ang kanyang mga tao sa kanilang “very good accomplishments, a record in history” kung saan naitala sa 11.68% ang status ng irrigation development noong 2021. Ito ay mas mataas sa irrigation development status sa nagdaang 10 taon o noong 2011.
Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, tumaas sa 311, 264.66 hectares o 7.95 % ang irrigation development mula 2016 to 2021.
“It also pursued Solar-Powered Irrigation Projects, where NIA has 333 solar-powered irrigation projects nationwide with an aggregate cost of ₱1.517 billion,” ani pa Villar.
Ayon pa sa senador, pinakikinabangan ng mga magsasaka na may lupa na 8 ektarya o mas mababa pa sa rito ang Free Irrigation Service Act (FISA) of 2018, kung saan siya ang pangunahing may-akda.
“These farmers, are exempted from paying the irrigation service fee (ISF) for the irrigation derived from national and communal irrigation systems constructed and administered by NIA and other government agencies,”sabi ni Villar .
“The main benefit to farmers from free irrigation is the savings from paying the irrigation service fee in the case of National Irrigation Systems (NIS) and the subsidy for operations and maintenance (O&M) in the case of communal irrigation systems (CIS),” giit pa niya.
Nagkakaloob din ito ng condonation at writing off sa mgs utang, dating due accounts at multa sa Farmers and Irrigators Associations na punpaid ISF at multa sa mga magsasaka sa NIA.
