National News
Sen. De Lima, hindi magpapasuri sa COVID-19 test
Walang plano magpa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) test si Sen. Leilla de Lima.
Ito ay matapos napagdesisyunan ng mga senador na sumailalim sa naturang test.
Iginiit naman ng oppositon senator na sumailalim na ito sa involuntary quarantine sa nakalipas na 3 taon at sa tulong ani ng Diyos ay nananatili siyang malusog.
Dagdag pa ni De Lima na ang gagamitin sa kaniya na test kits ay ipagamit na lamang sa mga symptomatic person under investigation at person under monitoring.
Dahil limitado lamang aniya ang mga test kits sa bansa at bigyang prayoridad ang publiko.
“Just to be clear. I will not join my colleagues to be tested for COVID-19. I have been relatively in involuntary quarantine for the past 3 years. With God’s grace, I remain healthy.”