Connect with us

Sen. de lima, hinikayat ang publiko na magka-isa sa gitna ng banta ng COVID-19 sa bansa

National News

Sen. de lima, hinikayat ang publiko na magka-isa sa gitna ng banta ng COVID-19 sa bansa

Hinihiling ngayon ni Sen. Leila De Lima na magka-isa ang mga Pilipino sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa pahayag ng senadora, sinabi nitong kailangang pagtuunan pansin din ng gobyerno ang iba pa nating kababayan at hindi lang ang mga apektado ng sakit.

Naniniwala si de Lima na sila ay may pangangailangan din at huwag sanang mapagkaitan ng pantay na serbisyo.

“Kailangan po nating pagtuunan ng pansin, hindi lang ang mga apektado na ng sakit, kundi pati na ang mga kababayan nating mas nangangailangan at matagal nang pinagkakaitan ng maayos na serbisyo. Silang laging nakikipagsapalaran sa hirap at mas humaharap sa banta ng pagkakasakit-ang mga araw-araw na binubuno ang pagsisiksikan sa MRT at LRT; ang mga contractual workers na sa kabila ng peligrong dala ng bagyo, lindol, malalang sakit o delubyo ay papasok pa rin para may masweldo; ang maghapon-magdamag na kumakayod at nagpapagod sa trabaho pero kapos pa rin ang inihahaing pagkain para sa pamilya; ang mga maralita na kahit may iniindang karamdaman ay walang maipambili ng gamot at pipiliing magtiis at mamatay sa bahay dahil walang pambayad sa ospital,” saad pa ng senadora.

Giit pa ng senadora na ang lahat ay may karapatan sa tamang impormasyon, masustansyang pagkain, malinis na suplay ng tubig at maasahang public utilities at vital services para malagpasan ang ganitong sitwasyon.

Ang panawagang ito ng nakakulong na mambabatas ay bilang isang pinoy at Senate chair ng Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development.

More in National News

Latest News

To Top