Connect with us

Sen. Dela Rosa, kabilang sa 15 lumagda para sa pag-upo ni Chiz Escudero bilang SP

Sen. Dela Rosa, kabilang sa 15 lumagda para sa pag-upo ni Chiz Escudero bilang SP

National News

Sen. Dela Rosa, kabilang sa 15 lumagda para sa pag-upo ni Chiz Escudero bilang SP

15 majority votes ang nakuha ni Senate President Chiz Escudero mula sa ipinaikot na resolusyon para sa pagpapalit ng liderato.

Yan ay ayon mismo sa bagong Majority Floor Leader na si Senador Francis Tolentino.

Kabilang sa pumirma dito ay ang mga PDL-Laban Senators kasama si Sen. Bong Go at Sen. Bato Dela Rosa na kahapon ay pinuri ni Zubiri dahil sa pagsuporta sa kaniya.

Sa ilalim ng bagong liderato, itinanggi ni Tolentino na magiging rubber stamp ang Senado ng Malacanang dahil sa usap-usapang may malaking papel ang Palasyo sa nangyayari ngayon sa Senado.

Sinabi nito na may kaniya-kaniyang rason ang mga senador para sa pagpapalit ng liderato.

Aminado naman siya na nagkikita sila ng mga congressman noong nakaraang linggo pero hindi aniya napag-usapan ang Senate leadership dahil hindi daw dapat nangingialam ang Kamara sa Senado at gayundin ang Senado sa Kamara.

Hindi rin daw dapat mauwi sa personalan ang diskusyon ng 2 kapulungan ng Kongreso.

Samantala si Dela Rosa, nagpaliwanag naman kung bakit siya pumirma sa resolusyon para sa pagpapalit ng Senate Leadership.

Pero nilinaw ni Dela Rosa na bago pa lumapit ang grupo ni Escudero ay nakakuha na ito ng sapat na boto na nasa 14.

Sinabi naman ni Dela Rosa, na gaya ni Zubiri ay heart-broken siya para dito.

Humingi pa nga ito ng pasensya kay Zubiri.

Nagi-guilty rin daw siya sa lumalabas na balita na ang pagdinig ng Senado sa PDEA Leaks ang dahilan ng pagkakatanggal kay Zubiri bilang Senate President .

Samantala, sinabi naman ni Estrada na si Escudero ang unang tumawag sa kaniya para sa hangarin nitong maging SP.

Inamin ni Escudero na siya ang gumawa ng hakbang para mapalitan sa pwesto si Zubiri.

Ang mga senador na sumporta kay Escudero ay sina Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Ronald dela Rosa, Jinggoy Estrada, Bong Go, Lito Lapid, Imee Marcos, Bong Revilla Jr., Francis Tolentino, Raffy Tulfo, Robin Padilla, Grace Poe, Cynthia Villar and Mark Villar.

Habang apat naman ang nanatiling loyal kay Zubiri na sina Senators Loren Legarda, Joel Villanueva, Sonny Angara, Nancy Binay, Sherwin Gatchalian, at JV Ejercito.

More in National News

Latest News

To Top