Connect with us

Sen. Dela Rosa, maaaring magkaroon ng substitution sa pagkapangulo – COMELEC

Muling nilinaw ng COMELEC na maaaring magkarroon ng substitution o kapalit si Presidential Aspirant Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

National News

Sen. Dela Rosa, maaaring magkaroon ng substitution sa pagkapangulo – COMELEC

Muling nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na maaaring magkaroon ng substitution o kapalit si Presidential Aspirant Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Kaugnay ito sa agam-agam na posibleng palitan ang kandidatura ng senador pagka-pangulo sa 2022 ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, ipinaliwanag nito na ang hindi lamang papayagan na magkaroon ng substitution ang mga kandidatong tatakbo bilang independent.

Gayunman, ipinunto ni Guanzon na ang isyu lamang ngayon ay kung sino ang totoong PDP-Laban sa pagitan ng paksyon ni Energy Sec. Alfonso Cusi at Sen. Manny Pacquiao.

Samantala, nagpaalala naman si Guanzon sa publiko na muling magpapatuloy ngayong araw ng Lunes ang pagpaparehistro ng mga botante para sa eleksyon sa Mayo.

Magsisimula ang pagpaparehistro 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon tuwing Lunes hanggang Biyernes ang pagpaparehistro.

Sa lahat umano na mag-reactivate, maaaring idaan lang sa email subalit ang transfer votee ay kailangan ng personal appearance.

Sa overseas voters, hanggang October 14 lang ang registration at ang first-time voters sa abroad ay kailangan ng personal appearance.

More in National News

Latest News

To Top