National News
Sen. Dela Rosa, mananatiling Chairman ng Committee on Public Order
Sisikapin ng Senado na maisapinal ngayon ang chairmanship ng mga komite sa ilalim ng liderato ni Senate President Chiz Escudero.
May ilang senador na mananatili sa kanilang hinahawakang komite gaya ni Sen. Bato Dela Rosa na chairman ng Public Order at dangerous drugs at Senator Bong Go sa Health Committee.
Ayon kay Dela Rosa, dahil mananatili siya sa Public Order at dangerous drugs ay tuloy ang imbestigasyon sa PDEA Leaks.
Si Sen. Tolentino naman, sinabing bibitawan na ang senate committee on justice at maritime
Magkakaroon naman ng eleksyon sa mga komite na binakante nila Nancy Binay at Sonny Angara na .nagresign bilang finance committee chair.
Siya ay posibleng palitan ni Sen. Grace Poe.
Mabibigyan din ng komite ang iba pang senador na nagresign sa kanilang pwesto tulad ni former Senate Majority Leader Joel Villanueva, former Senate President Pro Tempore Loren Legarda at former Deputy Majority Leader JV Ejercito.
Si Senator Sherwin Gatchalian ay mananatili namang chairman ng Ways and Means and Basic Educaion dahil hindi naman ito nagresign sa kaniyang komite kahit pa ito ay sumuporta kay Zubiri.
Si Zubiri ay humiling naman na mabigyan pa rin ng komite.
Samantala, ibinahagi ni First Lady Liza Marcos ang larawan ng naging gathering nito sa Palasyo kagabi kasama si Escudero at ilang mga Senador gaya ni Senators Robin Padilla, Alan Peter Cayetano, Francis Tolentino, Raffy Tulfo, Sherwin Gatchalian, Mark Villar, Jinggoy Estrada, Grace Poe, Cynthia Villar, Loren Legarda, at Pia Cayetano.
Kasama ng mga senador ang kanilang mga asawa.
Wala naman sa larawan si Senator Bato Dela Rosa gayundin si Zubiri.
Una nang nilinaw ni Escudero na matagal nang naka-schedule ang naturang pagtitipon at hindi daw ito dahil sa pagpapalit ng liderato sa Senado.
