Connect with us

Sen. Escudero, pinatitiyak sa DOTr na walang maiiwan sa PUVMP

Sen. Escudero, pinatitiyak sa DOTr na walang maiiwan sa PUVMP

National News

Sen. Escudero, pinatitiyak sa DOTr na walang maiiwan sa PUVMP

Hinimok ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang Department of Transportation (DOTr) na walang maiiwan sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Partikular na ang umaasa sa jeep bilang kanilang kabuhayan.

Sinabi ni Escudero na huwag putulin ang pakikipag-ugnayan ng gobyerno sa PUV drivers at operators na hindi pa rin nagko-consolidate bilang kooperatiba o korporasyon.

Paalala rin niya na walang karapatan ang gobyerno na mawalan ng pasensya kaya’t dapat palaging maging bukas ang linya ng kanilang komunikasyon.

Ang pahayag ay ipinarating mismo ni Escudero kay DOTr Sec. Jaime Bautista matapos ito nakipagpulong sa ilang transport groups tulad ng PISTON at MANIBELA.

Kabilang sa hinaing ng grupo ay ang sobrang mahal na presyo ng modern jeep at sana anila ay magkaroon ng trade-in system para dito.

More in National News

Latest News

To Top