Connect with us

Sen. Estrada, hanggad ang libreng sine o film festival sa ipinapanukalang ‘Buwan ng Pelikulang Pilipino’

Sen. Estrada, hanggad ang libreng sine o film festival sa ipinapanukalang 'Buwan ng Pelikulang Pilipino'

National News

Sen. Estrada, hanggad ang libreng sine o film festival sa ipinapanukalang ‘Buwan ng Pelikulang Pilipino’

Ipinapanukala ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagkakaroon ng libreng sine at pagdadaos ng film festival tuwing buwan ng Setyembre.

Ito ay bilang bahagi ng kanyang itinataguyod na ‘Buwan ng Pelikulang Pilipino’ para mapasigla ang lokal na industriya ng pelikula.

Sa Senate Bill 2250 ni Estrada, layunin nito na mapalago ang lokal na industriya at mapalawak ang isang bahagi ng creative economy at maitaas ang pamantayan at kalidad ng mga pelikulang Pilipino kapantay ng pinakamahusay sa mundo.

Sinabi ng beteranong mambabatas na isa ring aktor at producer ng pelikula, ang kanyang panukalang Buwan ng Pelikulang Pilipino Act ay naglalayon rin na mapanatili ang kultura at legasiya ng mga lokal na pelikula at ipamalas ang Filipino talents sa ibang bansa.

Iminungkahi ni Estrada na iatas sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang pagdadaos ng film festival na tatawaging “Pista ng Pelikulang Pilipino”.

Sa nasabing filmfest, isasagawa ang isang linggong eksklusibong pagpapalabas ng tatak Pinoy films sa lahat ng regular na sinehan at streaming websites o platforms na nasa ilalim ng pangangasiwa ng nasabing ahensya.

More in National News

Latest News

To Top