Breaking News
Gatchalian at Binay, sasailalim sa self-quarantine matapos makasalamuha ang isang COVID-19 victim
Sasailalim sa 14 na araw na self-quarantine sina Senador Win Gatchalian at Senadora Nancy Binay dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Una nang nagpahayag si Gatchalian na magsasagawa ng self-quarantine matapos makasalamuha ang nagpositibo sa COVID-19 na isang resource person sa isang senate hearing na pinamunuan niya
Aniya, nakasalamuha nito ang pasyente noong March 5 sa isinagawang hearing sa committee on basic education, arts and culture.
“I have recently been informed that a resource person who attended the hearing of the Committee on Basic Education, Arts and Culture last March 5, 2020, which I Chair, has tested positive for COVID-19,” pahayag ng senador.
Sinabi rin nito wala naman siyang nararamdamang sintomas ng virus.
Samantala, sumunod na rin si Senadora Nancy Binay sa hakbang na isasagawa ni Gatchalian na mag-self-quarantine.
Ito ay dahil kasama siya aniya sa nasabing senate hearing.
“Sen. Gatchalian and I were present during the March 5, 2020 hearing, and it is with a heavy heart to learn that one of our resource speakers has been tested positive for COVID-19,” saad pa ng senadora.
Parehas naman pinayuhan ni Gatchaliana at Binay ang kanilang mga staff at ang mga nakasalamuha ng nagpositibo sa virus na sumailalim rin sa self-quarantine.
Nakatakda namang i-lockdown ang Senado bukas upang madis-infect.