Connect with us

Sen. Gatchalian, dumulog sa NBI upang imbestigahan ang nangyaring hacking sa kanyang credit card

Sen. Gatchalian, humingi ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) upang imbestigahan ang nangyaring hacking sa kanyang credit card

National News

Sen. Gatchalian, dumulog sa NBI upang imbestigahan ang nangyaring hacking sa kanyang credit card

Humingi na ng tulong si Senator Sherwin Gatchalian sa National Bureau of Investigation (NBI) upang imbestigahan ang nangyaring hacking sa kanyang credit card.

Ito ay matapos na bumili ang hacker ng ₱1 milyong halaga ng food items mula sa isang food delivery application.

Nagpasalamat si Gatchalian sa NBI team at sinabing marami na ring tumawag sa opisina ng NBI at nagsumbong dahil sa nabiktima ang mga ito ng kaparehong modus.

Sa kaparehong press briefing, sinabi ni NBI Cybercrime Division Chief Victor Lorenzo na kung mahuhuli ang mga suspek, ay aarestuhin ang mga ito at mahaharap sa paglabag sa access devices regulation act of 1998, electronic commerce act, at cybercrime prevention act partikular na dahil sa identity theft at illegal access.

Matapos na makaranas ng cyberattack, nanawagan naman si Gatchalian sa mga bangko na mas pag-igtingin ang security protocols nito sa kalagitnaan ng tumataas na bilang ng online transations sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.

 

More in National News

Latest News

To Top