Regional
Sen. Gatchalian, hinamon ang pamahalaan na makapagsagawa ng 10,000 test kada araw
Hinahamon ngayon ni Senator Sherwin Gatchalian ang pamahalaan na makapagsagawa na nasa 10,000 Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) test kada araw.
Ito ang panawagan ng senador kasunod nang pagsisimula ng mass testing bukas, April 14.
Aniya, hindi mahahanap ang mga suspected carrier ng COVID-19 kung mababang bilang lamang ang makukuhanan ng test.
Dagdag pa ng senador, halos 50% ng mga nagpositibo sa COVID-19 ay asymptomatic, na ang ibig-sabihin ay wala itong mga nararamdaman at malayang nakakapanghawa.
Giit ni Gatchalian na ang mass testing ang magdedetermina kung kailangan pang palawigin ang enhanced community quarantine sa mga susunod na araw at buwan.
Ani Gatchalian na milestone ito para sa gobyerno kung maisasakatuparan nila ang 10,ooo testing per day.
“Kung hindi natin magagawa ang 10,000 mass testings a day at hindi natin mahahanap ang mga suspected, probable at confirmed cases ng COVID-19, sigurado pong kakalat uli ang virus sa buong bansa. Halimbawa, kung pinayagan na natin uling magbukas ang ating ekonomiya, payagan nang mamasada ang mga bus, jeepney o kaya’y MRT. Kapag ganyan ang naging sitwasyon, meron at merong potensiyal na mga kaso ng COVID-19.”
–Sen. Sherwin Gatchalian