Connect with us

Sen. Gatchalian, umaasang tataas ang creative thinking ng mga mag-aaral sa susunod na taon

Sen. Gatchalian, umaasang tataas ang creative thinking ng mga mag-aaral sa susunod na taon

National News

Sen. Gatchalian, umaasang tataas ang creative thinking ng mga mag-aaral sa susunod na taon

Umaasa si Sen. Sherwin Gatchalian na sa pagpapatupad ng MATATAG Curriculum sa susunod na taon, magkakaroon ng pagtaas sa antas ng creative at critical thinking skills ang mga mag-aaral.

Ang pahayag ni Gatchalian ay kasunod ng lumabas na resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA) sa Creative Thinking kung saan lumabas na isa ang Pilipinas sa 4 na may pinakamababang marka sa 64 na kasaping bansa.

Sa nasabing ulat lumalabas na tinuturuan ang mga bata mag memorize at hindi para mag isip kung saan apektado dito ang critical thinking maging ang creative skills ng mga estudyante.

Binigyang diin ni Gatchalian ang kahalagahan ng maayos na pagpapatupad ng MATATAG Curriculum upang pataasin ang grado o marka ng mga mag aaral.

Dagdag pa ng Senador kailangan ngayon ng dekalidad na pagsasanay at edukasyon para sa mga guro lalo na at sila ang nagtuturo ng critical at creative thinking skills sa mga mag-aaral.

More in National News

Latest News

To Top