Connect with us

Sen. Go at Padilla, agad na pinaaayos ang mga cultural heritage site na nasira ng lindol

Sen. Go at Padilla, agad na pinaaayos ang mga cultural heritage site na nasira ng lindol

National News

Sen. Go at Padilla, agad na pinaaayos ang mga cultural heritage site na nasira ng lindol

Dahil sa nangyaring malakas na lindol kamakailan ay agad na pinakikilos nina Senador Bong Go at Robin Padilla ang pamahalaan para sa rehabilatasyon ng mga nasirang heritage sites.

Sa Senate Resolution number 86 na inihain ni Go at Padilla ay hinihikayat nito ang gobyerno na agad na kumilos para sa pagsasaayos ng mga nasirang cultural heritage site, national landmark na sinira ng nakaraang hagupit ng magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon.

“Upon arriving in the town of Bangued last Sunday, 31 July, I and my team, together with fellow Senator Robinhood Padilla, were greeted by several destroyed houses, buildings and power lines,” ani Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go.

Una nang ininspeksyon ni Sen. Go at Sen. Padilla ang mga nasirang mga cultural heritage nitong nakaraang linggo sa Bangued and Lagangilang, Abra at Vigan City sa Ilocos Sur kung saan naghatid din sila ng tulong sa mga biktima.

Kwento ni Go na marami na silang nakitang mga sirang bahay, gusali at putol na kable ng kuryente.

“Meanwhile, in Vigan City, Ilocos Sur, parts of the facade of the 16th-century Vigan Cathedral have crumbled and cracks have marred some century-old ancestral houses and buildings in several other heritage sites,” dagdag pa ni Sen. Go.

Nasaksihan din nila ang nasirang 16th-century Vigan Cathedral at mga century old ancestral houses at mga heritage sites.

Sa kanilang inihaing resolusyon nakasaad ang kahalagahan ng ating mga historical site o mga cultural heritage site sa bansa.

Bukod dito ay kumikita din aniya at nagbibigay ng trabaho ang mga heritage sites  bilang tourist attractions kung kaya’t dapat agad ayusin aniya ang mga naturang lugar na binayo ng magnitude 7 na lindol.

 

More in National News

Latest News

To Top